Skip to content

Posts from the ‘DENNIS MONTERDE’ Category

8
Jan

Pagbisita sa Mt. Nangtud ni Dennis Almoros Monterde

Litrato: Dennis Monterde

Litrato: Dennis Monterde

Dennis Monterde/Ang Lagawan

Dennis Monterde/Ang Lagawan

Bukas ang bintana ng sinasakyang van at mala-Baguio ang lamig ng hangin, mga alas otso ng umaga. Magandang senyales ang maulap-ulap na kalangitan, bahagyang umaambon at pasilip-silip lang ang araw. Ibig sabihin, hindi kami masyadong mabibilad sa araw o mababasa sa ulan. Papunta kami ng bayan ng Barbaza sa probinsya ng Antique. Aakyatin namin ang Mt. Nangtud – isa sa pinakamataas na bundok sa isla ng Panay. Year-end climb ito ng Antique Mountaineering Society, Inc. Apat na araw ang akyat. Nasa pangabay namin na sana, tuloy-tuloy lang ito. Itong magandang panahon papunta hanggang sa kami’y makauwi.

Bihira lang akyatin ang Mt. Nangtud. Ayon sa kasama namin, madalas na siguro ang dalawang beses sa isang taon. At itong taong 2014, ang grupo lang namin ngayon ang aakyat dito.

Litrato: Marjorie Andres

Litrato: Marjorie Andres

Sa unang araw, halos buong araw na puro ilog ang dadaanan. Kailangan maliksi ka sa pagkapit sa mga bato o sa sanga-sanga ng mga tanim sa gilid ng pangpang at marunong magbalanse sa pagpadag sa mga bato para di ma-injure at maging cause-of-delay. Malapit din sa ilog ang unang naging campsite. Ito ang unang sunset ng akyat sa paligid ng mga bundok at parang musika ang ragasras ng ilog. Parang gusto ko na dito na lang mamalagi at mag-dayhike na lang sa katapat na bundok at maligo sa ilog. Naalala ko ang sinulat ng isang travel writer na si Nicolas Bouvier – na may mga miminsanang sandali sa buhay na makakapunta ka sa isang lugar na ang salitang “ganda” ay parang di sapat. At bihira lang ito nangyayari at minsan, parang sa mga pangkaraniwang tanawin lang at parang ikaw lang ang nakakaramdam. At karaniwan, itong imahe ng saya at ganda ang binabalikan kapag naalala ang lugar na napuntahan. Pero kailangang magising ng madaling araw kinabukasan. Mahaba-haba ang lalakbayin sa pangalawang araw. Target na makarating ng ranchohan bago magdilim. Ang ranchohan ang pinaka-base camp.

Litrato: Marjorie Andres

Litrato: Marjorie Andres

Pangalawang araw. May halos dalawang oras din yata kaming naglalakad at nagtatawid sa ilog. Iisang ilog lang ito at ito ang binabaybay namin hanggang sa makarating sa jump-off ng bundok. At dire-diretsong akyat na. May pahingaan sa lilim ng puno ng bulan-bulan (sobrang makati daw ang dahon nito.) At dire-diretsong akyat uli hanggang marating ang ridge. Mabuti at maulap ang panahon, di gaanong mainit. Dito sa ridge makikita na ang magandang tanawin – 360 degrees. Sa bandang kanan, walang katapusang bundok, may ibang natatakluban ng puting ulap, siguro kung babagtasin, hangganan na ito ng Atique, Aklan at Capiz. Sa bandang kaliwa, makikita ang baybayin ng Antique.

Ito na nga talaga ang “baybay kag bukid,” ayon sa isang makata ng Antique.

Sa unahan nito ang tinatawag na knife-edge. Ito ang pinaka-photogenic na parte ng bundok. Malakas ang hangin. Napapalid nga ang rain cover ng bag ko kaya tinago ko na lang. At least, dito, wala ng mataas na akyatin. Puro bangin na nga lang. Kailangan ding kumapit sa mga cogon o kaya’y yumuko-yuko o gapang na kung kinakailangan at mas malakas ang hangin. Wala akong dalang gloves kaya ang dami kong sugat-sugat. Pero sige lang. Kailangang makarating sa basecamp – sa ranchohan bago dumilim. Mas delikado kasi kapag dumilim o biglang bumuhos ang ulan gayong mayroong malalalim na pil-as o bangin sa gilid ng dinadaanan.

Nakarating naman kami bago magdilim sa ranchohan. Walang baka o kabayo dito. Basta tinawag lang ng ranchohan. Di rin ito patag. Ito ay maliit lang na lugar sa pagitan ng bundok. Kaya mabilis din kumulimlim sa lugar dahil sa naaaninohan ng nakapalibot na mga bundok. May kubo dito si tatay Lino, ang aming 72 taong gulang na guide. Oo, malakas pa siya at sumama pa siya sa amin kasama ang tatlo niyang mga apo. Hiwahiwalay ang tent namin, halos tatlong tent lang kasi ang magkakasya sa tabi ng kubo. Sobrang lamig dito. Parang sa camp 2 ng Mt. Pulag. Tagos na tagos ang lamig sa dalawang dryfit shirt na suot ko, isang fleece jacket at may warmer pa ako sa braso at nakatalukbong sa sleeping bag sa loob ng tent na tinakpan pa namin ng tarp bago ang flysheet. Ang kagandahan dito, malapit kami sa maliit na creek kaya walang problema sa tubig.

Pangatlong araw. Maaga ulit kami nagising, mga alas-4. Kailangan naming magprepare ng pack lunch. Assault lang ang gagawin namin pa-summit. Ang dala ko, ay ang top lid ng backback ko na convertible to beltbag. Pinagkasya ko na dito ang pack lunch sa LocknLock, tubig na nasa isang litrong Nalgene bottle, trail snacks at isang LocknLock na ang laman ay cellphone at battery pack. Matarik at masukal ang paakyat sa summit. Pero dito ang nakakamanghang dami ng mga tanim. Sa dami, parang nagkakalat lang sa trail ang mga pitcher plant.

Litrato: Camille Zamora

Litrato: Camille Zamora

Ang mga puno ay halos nababalutan na ang mga lumot at mga orchids. Naalala ko ang mossy forest ng Mt. Canlaon, at ng Mt Pulag – pero mas makapal ang mga moss dito. Isa sa mga frustration ko ay ang di makapag-identify ng mga puno o kahit na anong mga tanim na makikita sa bundok na di pangkaraniwan. Oo, madali lang ang Ipil, tibig, talisay pero hindi lang iyan ang ang makikita paakyat ng Nangtud. Marami at iba-iba. Meron pa ngang isa na ang kapal ng dahon na parang plastic. Merong isang puno na punumpuno ng mapuputing maliliit na bulaklak. Meron din na pumumpuno na maliliit na pulang bunga. At may isa pang maraming tapul/violet na bunga na amoy duhat. Ano ang tawag sa mga ito? Hindi ko alam. Halos magtanghalian na ng marating namin ang EBJ peak.

Litrato: Dennis Monterde

Litrato: Dennis Monterde

Pinangalan ito sa bayani ng probinsya, kay Evelio B. Javier. Naakyat din niya itong bundok na ito. Iniisip ko kung ano kaya ang naiisip niya noong inakyat niya ito.

May naitala kaya ng kayang karanasan sa pag-akyat niya dito? Namangha rin kaya siya sa diversity ng flora at fauna ng lugar na ito? Nadulas rin ba siya?

Dumiretso kami sa sinsasabing summit, pero medyo pababa, kaya may mga nagdududa na di ito ang pinakamataas na tuktok. Naiwan kasi si tay Lino sa ranchohan. Pero ito ang karaninwang lugar na sinasabing peak ng mga nakapunta na dito. Pero napapaligiran din ng mga puno. Kaya walang masyadong view. Bumalik kami sa EBJ peak ang doon na nananghalian. May ilang minuto pagkataong kumain, nagpicture-picture at bumalik na sa base camp. Kinagabihan, pagkatapos naming maghapunan, nagpulong kami para sa takdang gawin kinabukasan. Ang wakeup call ay alas-3 ng madaling araw. Kailangan ng maunang umalis ang medyo mabagal. Kailangan naming habulin na makababa sa campsite ng unang araw para sa pananghalian.

Pang-apat na araw. Pababa na kami. Maaga nagising lahat, nagluto ng agahan at pack lunch. Nauna ng umalis ang ilang kasama na medyo mabagal na sa trail kahit madilim-dilim pa. Matagal din kasing lumiwanag ang ranchohan kasi napapaligiran ng mga bundok. Pero di rin nagtaggal at nakapag-ayos na rin kami lahat ng gamit at saka umalis na rin ng maliwaliwanag. Madulas ang pababa. Nakailang dulas din ako. At nawarak na rin ang sapatos ko. Ang trail papunta ay pareho ng trail na binabagtas namin pabalik. Kaya halos kalkulado na namin ang hirap na dadaanan. Pero nakaya rin namin lahat. Nakapananghalian kami sa unang campsite. At nakarating kami ng Baranggay Lumboyan mga bandang 4 o 5 ng hapon. May inihandang nilaga na kamoteng kahoy ang pamilya ni tay Lino sa amin. Malinamnam pala ‘yung kulay dilaw na kamoteng kahoy. Ang kulay puti lang kasi ang karaniwan kong nakakain. Nagpahinga kami ng kaunti at naghanda papuntang Camp Eupre sa Baranggay Cadiao – dito kami mag-oovernight bago umuwi kinabukasan. May nakahandang soup no. 5 ng dumating kami.

Litrato: Dennis Monterde

Litrato: Dennis Monterde

Walang tigil na ang ulan gabi hanggang madaling araw. May bagyo pala. Signal no. 2 na southern part na Antique at signal no. 1 sa natitirang bahagi. Walang skylab na bumabyahe ng madilim-dilim pa. Kaya itong pauwi na, ito pa yung basang-basa ako – malayo ang nilakad kahit maulan hanggang sa may dumaan na rin sa wakas na skylab. Mga alas-otso ng umaga, nanginginig ako sa lamig sa loob ng van pauwi ng Belison. Pero nakatulog ako at nagising malapit na sa San Jose. Dumiretso na lamang ako sa terminal ng bus pa-Cubao, ngayon kasi ang schedule ko pabalik. Dadaanan ko na lang ang ticket ko sa Belison. Pero na-cancel din ang byahe dahil walang barko na babyahe dahil sa bagyo.

Kaya nakapagbagong taon pa ako sa bahay namin. At nagkaroon ng oras sa aking dalawang pamangkin na gustong-gusto ring umakyat ng bundok at mag-camping balang araw. Hindi ko maipaliwanag sa kanila ang kirot ng mga bakaris na aking kamay at binti, ang hapdi ng natuklap na balat sa mga daliri at ang saya na makarating sa tuktok ng bundok at makasama ang mga bagong kaibigan.

Ipinanganak ako at lumaki sa Antique. Na-enggaanyong mag-mountaineering ng makapagtrabaho at namalagi na sa Maynila. Marami-rami na ring naakyat na bundok lalo na sa Luzon. Pero ang Mt. Nangtud ang kauna-unahang bundok na inakyat ko sa aking probinsya. Siguro, nagkatsansa lang, pinagbigyan ang pagkakataon. May mahabang bakasyon kasi ang huling linggo ng Disyembre. At bihira na rin akong magbakasyon sa Antique. Di ko na maalala kung kailan ang huling pasko o bagong taon na nasa probinsya ako. Noong nakaraang pista sa bayan namin sa Belison, umuwi ako, at hindi naman ako masyadong nakagala at medyo naiinis pa ako sa sarili ko dahil kinaiinisan ko ang ingay ng trompa sa binayle, ng videoke sa kalye, e gayong pista nga. At pakiramdam ko, para na itong Catungan IV ni Isoy sa Rite of Passage – ang pinakahuling dula nakaraang taon na napanood ko sa Ateneo.

Pero lagi kong iniisip ang probinsya ko. Lagi kong pinaplano kung sakali man na makapagbakasyon uli ako dito, lilibutin ko ito – susubukan kong bibisikletahin ang kahabaan nito. O di kaya ay pumunta at magcamping sa mga isla nito: Caluya, Batbatan, Mararison. At i-explore ang ibang di gaanong popular na mga lugar tulad ng bayan ng San Remigio.

At parang gusto kong manatili itong di gaanong popular – itong mga magagandang isla at bundok sa aking probinsya. O mas gusto kong isipin na mas ma-enjoy muna itong puntahan (at inaalagaan) ng mga kaprobinsya ko bago ng mga dadayong turista. Na may oras at pera ang mga taga-Antique na pumunta sa iba’t-ibang bayan ng probinsya para sa isang nature-walk o bakasyon. Ay, abaw gid lang!

Pero bago ang lahat ng iyan, mas magandang makita muna na nagiging sapat ang kabuhayan ng mga magsasaka ang mangingisda sa Antique. At di lang ang kabuhayan, sana/dapat magiging progresibo rin at malawak ang pag-iisip – ang pagiging kritikal na pag-iisip. Alam at may pakialam sa konsepto ng kosyumerismo, kapitalismo at pati na kurapsyon sa gobyerno. Dahil babalik at babalik ako/tayo sa kung ano ba ang ideya natin ng “quality of life.” Tulad ng pagbabalik-balik sa lugar na kinagisnan.

Advertisements
22
Jan

‘Ginlagawan ko ang lugar ni Fabian kag ni Joaquin sa pelikula ni Lav Diaz nga Norte: Hangganan ng Kasaysayan’ ni Dennis Monterde


Dennis Monterde/Ang Lagawan

Dennis Monterde/Ang Lagawan

Amo dya ang lugar nga may pagkapatas man sa mga lugar nga malagawan sa Pilipinas – may lagwerta, taramnan, suba, baybay, kamalig, tindahan, may sementado kag bahul nga balay, may tigup-upon nga balay, may mga taho nga nagapadayon sa adlaw-adlaw nga hirikuton – may saku, may nagapamroblema. Ukon, amo man dya ang lugar sa pinsar nanday Fabian kag Joaquin nga ginasulhotan kang kalabanan nga mga pamangkot sa kabuhi : hasta san-o ang mga pag-antos, ano ang atun “buwas-damlag”, andut nag-amo dya ang atun sosyodad. Makonsidera nga normal, buta kang cliché, pero complex (tungud ano gid man haw ang ideya nga simple nga pagpangabuhi?).

Pero, danay kaw. May coffee shop idto ay hud, hapit ta anay. Sa sulod, si Fabian imaw kang anang professor kag classmates nagadiskurso kon ano ang mayad nga mangin sistema kang atun gobyerno ukon setup kang sosyudad. Nakaingganyo lang pamatian ang purtika ni Fabian parti sa mga pagsuya na sa mga revisionist nga nagapasidangug kay Aguinaldo bilang hero kono kang Katipunan, sa nagadumara kang atun gobyerno nga sa gihapon rugyan ang hindi matapos-tapos nga kurapsyon, naga-lala pa gani.

Mabatian pa gani ang aphorism ni Machiavelli nga “the ends justify the means.” Paano dya isayudon? Nga kadya, ang ends: majority sa Pilipinas imol, nga nagaraku ang wara ti permanente nga obra/pangarabuhian, nagaraku ang atun populasyon (malab-ot sa 100 milyon run kadya nga tuig), nga duro gihapon mas pili-un makanagap kang oportunidad overseas patas kang pagduro man kang mga mall para baraklan kang mga produkto nga gina-endorse patas ni Kris Aquino kag maturukan kang pelikula halin sa Hollywood ukon nanday Vic Sotto kag Vice Ganda; kag ang means: amo ang corrupt ang gobyerno, tungud may problema sa edukasyon? Ginapamatian lang si Fabian kang anang professor, nakanugunan gani tanda kay Fabian. Raad kono itapuson na ang kurso na sa Law School.

Hapitan ta si Joaquin nga gin-semento ang anang kahig hay naaksidente. Naubos ang tanan nanda nga napundar kang sawa na nga si Eliza – mga gamit sa karinderya kag ginasagod-sagod nga sangka baboy – para pambayad sa gin-utang nanda kay Magda para sa pagpa-ospital. Ti wara-wara run gid e sanda mag-asawa nga darwa pa bata da luwas pa sa bugto ni Eliza nga kananda naga-tiner kag nagasapi-sapi. Si Magda man nga dya nga pwerti mamigus kon manukot kang utang. Hay dagil tana lang man ang sarang marapitan para utangan, haros ubuson na tanan nga may dyan sa naga-utang kana maski pa ang singsing nga ginatago-tago ni Eliza halin pa sa tatay na. Wara ti pagulikid sa isigkataho si Magda. Angay na kadya ang tipikal nga mga kapitalista sa atun sosyudad – nga ang gina-ulikid lang gid amo ang mapabahul ang andang ginansya, nga ang ginapangamuyo amo ang maduro ang magbakal kang anang produkto kag mabuul nga endorser ang mga sikat nga mga artista.

Sa pagkapisan ni Joaquin, gin-antus na nga maglibud kang mga pirated DVD agud lang daan mabawi ang ginprinda ni Eliza nga singsing maski nakasaklay kag nagapiang-piang pa. Samtang si Eliza tana, nagmaligya kang sari-sari nga mga laswa nga ginalibud na sa ginatulod-tulod nga kariton. Kang sa urihi nga daw wara it madangtan ang piglibud-libud na kang DVD kag sa deperado nagpakitluoy nalang tana kay Magda para sa singsing kang sawa na, pero wara gid. Nga sa desperasyon, sa ugut, sa ungul na siguro hinali nga ginkuga si Magda. Syagit eh si Magda dayon ngayo tabang sa niwangun na nga bulig.

Naglagyo run lang si Joaquin kag nangita kang ibang obra – bulig sa mga obrero nga naga-finishing kang sangka bahul nga balay.

Si Fabian, nga naga-bale man kay Magda, naobserbar na kon daw ano gid man dya kapintas. Sa urihi kang di na run man mapunggan ang ugali ni Magda, sangka gabii, natabo ang di dapat – binuno na si Magda kag ang bata na nga dalaginding. Kag dayon naglagyo. Nga daw sa may kaaraydan bala ang patyun ang sangka mapintas nga taho? Nga daw sa mayad bala ang ideya nga buhinan/patyun ang nagapamigus ang hindi natun gusto nga taho?

Ang nasal-an nga nagpatay, amo si Joaquin (hay kinuga na bay si Magda antes maglagyo.) Kag wara run man ti iba nga suspect maluwas kana. Napriso si Joaquin samtang si Fabian nangita kang ma-obrahan sa sangka fastfood restaurant.
Kon may sara nga bahul man ako nga natalumpangdan sa paglagaw ko sa lugar ni Joaquin kag ni Fabian, amo ang ang pagsugalaw kang konsepto kang “pamilya” ni Joaquin (kag kang anang sawa nga si Eliza) kag ni Fabian:

Sangka bes, na-istorya ni Eliza nga raad kon ginsugtan na lang si Joaquin nga mag-obra sa overseas kato, siguro hindi dya natabo. Pero hay nagpromisar tanda sa sara kag sara kang bag-ong kasal sanda nga maski ano matabu, hindi nanda pagbayaan ang sara kag sara. Nga di nanda gusto nga magbahul ang mga bata nanda nga wara ang sara kananda. Nga bahul gani balay n’yo, taas pader nga semento, duro bag-o nga siripalun kang mga bata, pero diin ang nanay kang mga bata – idto sa Hongkong nagangamuhan, ang tatay – ga-obra sa Saudi. Wara man sa naga-judge, pero siguro kuon na, amo ra ang andang prinsipyo- nga buo pirmi ang andang pamilya.

Sangka bes, nag-uli si Fabian sa andang balay, nasadyahan ang anang manang nga si Hoda nga nag-kombense gani kana nga rugyan run lang matiner hay okay run man ang tanan. Hekta-hektarya ang farm ni manang na, kag sarang na dya gastusan kon gusto na magbalik sa Law school. Pero may ginhambal Joaquin nga kono wara run tana nagapati sa konsepto kang “pamilya”. Nga ang andang ginikanan sa ibang lugar, marayu, nga ang gina-isip lang amo ang magpadara kang kwarta para kananda. Nga dysfunctional ang andang pamilya.

Sa urihi, nabinagbinag ko nga ang tanan, daw sa wara lang, daw sa aso lang nga amat-amat magadura. Huod, reklamo kita nga reklamo, amo dya amo to. Pero daw hasta dyan lang? Kon isipun may mga natabu run nga patas kang pork-barrel scandal pero kon turukun, daw kabudlay isipun nga may something-significant dya nga madangtan. Gina-dumarahan gihapon kita kang pareho nanday pogi, sexy at tanda. Kag siguro pagadumarahan gihapon kita kang iba-iba nanda nga bersyon.

Nga kon wara kita ti himuon, padayon lang man gihapon ang tanan. Kon magrumentado kaw tungod sa social injustices, may 5 minutes fame kaw siguro kon mabalita sensationally sa 24 Oras o sa TV Patrol, pero ma-consider lang dya nga isolated case kag padayon lang ang tanan, amo man sa gihapon ang sistema, ang social paradigm. Nga kalabanan mangusul kon magdasu-dasu kag magpadara sa taas kang emosyon. Nga kulang gid man kita kang sense of history? Nga dali natun ginalipatan ang nagkaratabu sa atun nasyon? Diin ang bilyones nga ill-gotten wealth kang mga Marcos? Andut nangin senador si Bongbong? Ano run ang progreso kang kaso ni GMA? Kang Ampatuan Massacre? Diin run si Palparan?

Kang paghalin ko pagkatapos kang haros apat ka oras nga lagaw sa lugar ni Joaquin kag ni Fabian, daw wara ti nag-bago sa tanan – nga ang ginapanawan ko pauli, ang lugar ko nga ginahulagan, lugar kang sari-sari nga mga Eliza, Hoda, Magda, Joaquin, kag Fabian.

%d bloggers like this: