Skip to content

October 19, 2019

Lektyur sa Nobelang Margosatubig ng Ilonggong Pambansang Alagad ng Sining Ramon Muzones at Paglulunsad ng taga_uma@manila ni Genevieve L. Asenjo sa Iloilo Mega BookFair

by Pangga Gen

MAY LEKTYUR AT PAGLULUNSAD NG LIBRO si Pangga Gen sa gaganaping Iloilo Mega BookFair (IMBF) sa Nobyembre 8-11, 2019 sa Festive Walk Iloilo!

Alfredo E. Litiatco Professorial Chair in Literature & Bonifacio P. Sibayan Professorial Chair in Applied Linguistics | Dept. of Literature | De La Salle University |AY 2018-2019

Abstrak: Ano ang pagbabasa ngayon sa gitna ng visual spectacle ng 24/7 media industry? Isang maiksing kasaysayan ang lektyur ng pagbabasa ng Margosatubig, serial na nobela noong 1946 na tumagal ng 30 linggo at pumalo ng 37,000 sa sirkulasyon ng Yuhum Magazine. Ito ang pinakasikat na nobela ni Ramon Muzones (March 20, 1913 – Aug. 17, 1992), maging sa kasaysayan ng ika-20 siglo ng panitikang Hiligaynon. Nadeklara si Muzones bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan nitong 2018. Bunga ito ng iskolarsyip ni Dr. Ma. Cecilia Locsin-Nava (History and Society in the Novels of Ramon Muzones, ADMU Press, 2001) at pagsasalin nito ng nobela sa Ingles – Margosatubig: The Story of Salagunting [ADMU Press, 2012]).

Bilang pakikipag-usap at argumento, naghahain ang lektyur ng isang metodo: ang pagbasa sa nobela bilang retrofuture, o isang nostalgia sa paparating na panahon o bukas.

 

taga_uma@manila ni Genevieve L. Asenjo (Kasingkasing Press, 2019)

Para sa pagbili ng tiket at kabuuang programa, mag-klik rito:

Maaari ring mag-email sa kasingkasingpress@gmail.com.

Kitaay kita!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Note: HTML is allowed. Your email address will never be published.

Subscribe to comments

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.