Skip to content

March 16, 2011

Join Na!”Fliptop Bayani: Mga Katha ng Panlalaglag at Pag-ariba sa Bayani”

by Pangga Gen
Dana-McClure-3

Working Project Title: Fliptop Bayani: Mga Katha ng Panlalaglag at Pag-ariba sa Bayani
Project Proponent: Rolando B. Tolentino at Rommel B. Rodriguez, mga editor

May nakaatas sa ating tungkulin
Kuwento’t talinhaga ‘y gamitin
Katauhan mo’y hindi mamalitiin
Kung itong anyo ng fliptop kaya mong gayahin
Para mang-irita, para manita
Kung ang bayani sa ating henerasyon
Makabuluhan pa
O ano? Join na!

Gamit ang porma ng fliptop, ipapaloob sa akda ang mga usaping tumutugon sa kasalukuyang paghiraya natin sa kahulugan at kabuluhan ng bayani. Bakit wala nang bayani ngayon? Narito ang ilan sa mga ideyang maaaring paghugutan ng material:

1. Kahulugan at kabuluhan ng bayani sa kontemporaryong panahon

2. Ang mga Overseas Filipino Workers at pagturing sa kanila bilang mga bagong bayani

3. Mga partikular na taong itinuturing na bayani (Jose Rizal, Ninoy Aquino, Efren Penaflorida)

4. Mga taong sikat dahil sa pangalan nilang may bayani (Bayani Fernando, Tetchie Agbayani, Bayani Casimiro, etc.)

5. Bayani (individualidad) o bayanihan (kolektibidad)?

6. Mediang bayani: Piolo Pascual, Kim Chu o Willie Revillame, halimbawa

7. Ang bayan ng bayani: lugar, pook, espasyo

8. Simbolo ng pagkabayani: monumento, kalsada, posporo, funeraria

9. Trahedyang bayani: Flor Contemplacion, tatlong anak nitong nakakulong dahil sa pagbebenta ng droga, Mang Pandoy, OFW sa Libya

Narito ang mga kahilingan:

1. Nakatutok ang akda sa piniling usaping pumapaimbulog sa konsepto ng bayani.

2. Tumutugon ang akda sa politikal na perspektiba.

3. Nakasulat ito sa Filipino o sa Taglish, o sa wikang may langkap ng Filipino.

4. Maaring itanghal ang teksto gamit ang anyo ng fliptop (pa-balagtasan kahit walang sukat at tugma, pakutya, padiskurso, patama pero may kuwento).

5. Binubuo ng 40 na linya (minimum) upang makapagkomentaryo, manlait, manlaglag gamit ang anyo ng fliptop na mayroong kuwento sa matulaing pamamaraan.

Ipadala ang inyong mga kontribusyon sa fliptopbayani@gmail.com kasama ang tatlong pangungusap na tala sa sarili.

Puntahan ang link http://www.youtube.com/watch?v=l4OwcE3-dBc para sa ideya kung ano ang fliptop.

Deadline ng pagsusumite: 31 Mayo 2011

Featured Image: Dana McClure’s Line Series (http://www.lostateminor.com/2010/12/18/dana-mcclures-line-series/#more-48152#more-48152)

Read more from GUEST BLOGGERS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Note: HTML is allowed. Your email address will never be published.

Subscribe to comments